Dalawang Trabahador ng Rice Mill, Nakuryente, Isa ang Patay!

Dead on arrival sa pagamutan ang isa sa trabahador ng rice mill sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela, pasado alas otso kaninang umaga matapos na makuryente habang gumagawa ng kongkretong pader.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Fuerte, 46 anyos at residente ng Mansibang, Naguilian, samantalang ang kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan ay si Romel Quenez, 38 anyos at residente ng Barangay Sunlife, Nagulian, Isabela.

Batay parin sa pangyayari, habang gumagawa umano ng kongkretong pader ng rice mill na pag-aari ni George Lai ang dalawang biktima ay aksidenteng naidikit nila ang hawak na anim na metrong bakal sa linya ng koryente.


Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng PNP Naguilian ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments