Makati City – Nakatakdang ayusin ng DPWH ang Guadalupe bridge sa Makati sa Marso o Abril ng 2019.
Taong 2012 pa nang inirekomenda ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang pagsasaayos sa tulay matapos itong makitaan ng mga bitak at butas sa pundasyon habang kinakalawang na rin ang mga bakal.
Dahil dito, posibleng hindi kayanin ng tulay sakaling tumama ang isang malakas na lindol.
Nabatid na nasa 200,000 mga sasakyan ang dumadaan sa Guadalupe bridge araw-araw.
Kahapon, una nang sinabi ng DPWH na 12 tulay sa Metro Manila ang kanilang mino-monitor dahil sa pangit nang kondisyon ng mga ito.
Facebook Comments