TRENDING | Duyan sa isang playground sa India, minumulto raw

India – Kinatatakutan ngayon ang isang playground sa disyertong bahagi ng India.

Ito ay matapos na mag-viral sa social media ang video ng isang duyan sa Khyala B Block Park na umuugoy mag-isa!

Marami ang hindi naniniwalang gawa ito ng multo dahil posibleng ginamitan lang daw ito ng fish line saka inuugoy ng tao mula sa malayong distansya.


Pero sa video, makikita na kinuhanan din ang paligid ng playground pero wala namang tao.

Umabot na ito sa 25,000 views at hanggang ngayon pinagtatalunan pa rin ng mga netizen kung senyales ito ng pagmumulto o edited lang ang video.

Facebook Comments