AAYUSIN | MMDA, planong magpatupad ng ilang pagbabago sa Commonwealth Avenue kasunod ng konstruksyon NG MRT-7

Manila, Philippines – Planong magpapatupad ng ilang pagbabago ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Commonwealth Avenue at Elliptical Road sa Quezon City kasabay ng konstruksiyon ng MRT 7.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, pagbabawalan na ang mga Public Utility Vehicle (PUV) na magsakay at magbaba ng mga pasahero kung saan-saan dahil ilalayo na sa main highway ang mga loading at unloading zone.

Gagawin na ring one-way ang Masaya Street sa mga PUV habang magtatayo ng mga barrier sa mga pedestrian para ma-restrict ang mga ito sa sidewalk.


Kung lalabas sa barrier ang pedestrian, puwedeng matiketan ng anti-jaywalking.

Mananatili naman ang mga bus sa Commonwealth pero iuusog ang bus stop lagpas sa hanay ng mga establisimyento pa-UP entrance.

Sa kabilang lane naman, iuusog din ang loading at unloading zones malapit sa Visayas Avenue.

Bagama’t may plano na ang MMDA, hindi pa ito agad-agad maipatutupad.

Kailangan muna kasi ng information campaign, gagawin ang mga loading at unloading signages, at magsasagawa rin ng clearing operations sa Maharlika Street at Masaya Street.

Facebook Comments