TEMPORARY CLOSURE | Pagpapatupad ng six-month closure ng Boracay, posibleng desisyunan ni Pangulong Duterte ngayong araw

Manila, Philippines – Posibleng desisyunan na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong isara ang isla ng Boracay ng anim na buwan.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menrado Guevarra, nagpatawag ng cabinet meeting ang Pangulo para talakayin ang rekomendsayon ng environment, tourism at interior department na anim na buwang total shutdown sa isla.

Sinabi naman ni Guevarra na inatasan na nila ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mag-alok ng alternatibong pagkakabuhayan sa mga maaapektuhang manggawa sa isla.


Facebook Comments