Manila, Philippines – Gusto ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na
ma-amyendahan ang National Prosecution Service Law (NPSL).
Sinabi ito ni Aguirre matapos maglabas ng desisyon ang NPSL na nagbabasura
sa drug cases laban sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa,
Peter Lim at 20 iba pa.
Ayon kay Aguirre, hindi sinusunod ng mga state prosecutor ang kanyang utos
dahil sa NPSL at mayroon lang siyang “Appellate Jurisdiction.”
Bukod dito, ang NPSL aniya ay mayroong autonomy at malayang makapagpapasya
kahit hindi sang-ayunan ng tanggapan ng Justice Secretary.
Aminado rin si Aguirre na hindi pa niya nababasa ang resolusyon na
nagbabasura sa kaso ni Espinosa.
Facebook Comments