PBA | Finals’ berth, target ng San Miguel Beermen kontra Gin Kings mamayang gabi

48

Manila, Philippines – Inaasahang tatapusin na ng three-time defending
champion San Miguel Beer ang serye nito kontra Barangay Ginebra para makuha
ang unang puwesto sa finals ng PBA Philippine Cup mamayang gabi.

Lamang ang Beermen, 3-1 kontra sa Gin Kings at isang panalo na lamang ang
kailangan nila para umusad sa finals.

Pero para kay SMB Head Coach Leo Austria makakahinga lamang siya nang
maluwag kung tuluyan nilang tatalunin ang Gin Kings mamayang gabi sa Cuneta
Astrodome.

Paliwanag ni Austria, kahit baon sa 3-1 na hukay ang Barangay Ginebra na
bumangon at lumaban para pahabain pa ang serye.

Facebook Comments