Inanunsyo ng Manila Water na tuloy na bukas ang ang kanilang pipelaying and interconnection activity.
Ito ay upang maisaayos ang tagas sa pipeline sa EDSA southbound sa may kanto ng Shaw Boulevard.
Dahil dito, magreresulta ang activity na ito sa temporary water service interruption para sa may 93,237 na kabahayan at establisimiyento sa 33 na barangay sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City.
Ito ay mula Huwebes, ika-16 ng Agosto, 7:00p.m hanggang Biyernes, ika-17 ng Agosto, 9:00a.m.
Ang mga apektadong mga barangay ay ang mga sumusunod:
Sa Mandaluyong, ang mga barangay ng Wack-Wack, Mauway, Addition Hills, Highway Hills, Malamig, Buwayang Bato, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Barangka Ibaba, Barangka Drive, Plainview, Pleasant Hills at Hulo.
Sa San Juan, ang mga barangay ng Greenhills, Addition Hills, Little Baguio, Pasadena, Corazon de Jesus at West Crame.
Sa Pasig, ang mga barangay ng Ugong, Oranbo, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo at San Antonio.
Sa Quezon City, ang mga barangay ng Kaunlaran, Bagong Lipunan, Horseshoe, Valencia, Immaculate Conception, San Martin de Porres, Ugong Norte at Pinagkaisahan.
Inaanyayahan ng Manila Water ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan sa panahong ito.