Cauayan City, Isabela–Narekober ng kasundaluhan ng 17th Infantry (Do or Die) Battalion, Baggao Municipal Police Station, Philippine Coastguard Sta. Ana at Community Environment Natural Resources Office (CENRO) sa bayan ng Alcala ang tinatayang higit kumulang na 900 board feet na iligal na pinutol na kahoy sa Sitio Kawayan, Brgy Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.
Ayon kay LTCol. Angelo Saguiguit, Battalion Commander ng 17IB, ang mga iligal na kahoy na kanilang natagpuan ay pawang mga Narra at Kamagong na itinago sa tubig.
Pinuri naman ni BGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID ang pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang sangay ng gobyerno na nagresulta sa kumpiskasyon ng mga kahoy.
Binigyang-diin din nito na ang kanilang pwersa at kinakailangan ang buong suporta sa laban ng DENR sa iligal na pamumutol na kahoy sa kanilang mga nasasakupan.