ABC ELECTION | Dalawang punong barangay sa Camarines Sur, arestado sa tangkang pamimili ng boto

Camarines Sur – Naaresto ng mga tauhan ng CIDG Camarines Sur ang dalawang punong barangay matapos na maaktuhang bumibili ng boto sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Sta Lucia, Magarao, Camarines Sur.

Ang nangyaring vote buying ay may kinalaman sa gaganaping The Association of Barangay Councils o ABC Election sa Camarines Sur.

Kinilala ang mga naarestong punong barangay na sina Augusto Laure ng Barangay San Roque at Allan Vedallo ng Barangay Pagaw Bombon Camarines Sur.


Nakuha ng mga pulis sa isinagawang entrapment operation ang 100,000 pesos na cash na gagamitin sana ng dalawa sa pamimili ng boto.

Facebook Comments