Aberya, asahan na sa unang 15 araw ng SIM card registration – DICT

Aminado ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na posibleng makaranas ng aberya sa unang ilang araw ng SIM card registration.

Ayon kay DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo, magsisilbing test period ang unang labinlimang araw ng registration.

Bago kasi ang nasabing proseso para sa mga subscriber at telecommunication companies.


Sa pamamagitan din aniya nito ay malalaman ng ahensya kung ano pa ang kailangan nilang ayusin para gawing mas madali ang registration process.

Halos 88 million subscriber ng Globe Telecom ang inaasahang magpaparehistro; 68 million sa Smart at 14 million sa DITO Telecom.

May 180 araw o hanggang April 26, 2023 ang mga subscriber na i-rehistro ang kanilang mga SIM card.

Kung mabibigo, awtomatiko itong made-deactivate.

Facebook Comments