Globe, nag-sorry sa naranasang system glitch sa gitna ng SIM card registration

Humingi ng paumanhin ang Globe Telecom sa mga subscriber nito kaugnay ng naranasang glitch sa kanilang sistema sa registration ng mga SIM card.

Paliwanag ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe, kinailangan nilang ibaba ang kanilang system upang makasunod sa bagong requirement ang Department of Information and Communication Technology (DICT) o iyong pag-a-upload ng selfie.

Pinaalalahanan naman ni Crisanto ang kanilang mga subscriber na huwag magtungo sa kanilang physical store, sa halip ay magparehistro online.


Habang sa Enero ay maaari na ring magparehistro sa pamamagitan ng kanilang bagong GlobeOne App.

Tiniyak naman ni Crisanto na ligtas ang mga impormasyong ibibigay ng kanilang mga subscriber.

Facebook Comments