Aberya sa MRT-3, sunod-sunod na naranasan kaninang umaga

Manila, Philippines – Sunod-sunod na namang aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit – 3 ang sumalubong sa mga pasahero ngayong araw ng Lunes.

Alas 8:12 kaninang umaga nang pababain ang mga pasahero sa Cubao station dahil sa technical problem.

Nasundan pa ito ng aberya kaninang alas 9:47 ng umaga sa bahagi naman ng Magallanes station at alas 10:23 sa Santolan Station.


Bukod sa MRT-3, naantala rin ang biyahe ng LRT line 1 nang tumirik ang isa nitong tren sa Doroteo Jose Station, alas 8:30 kaninang umaga.

Facebook Comments