Sen. Imee Marcos, hinamon na maglabas ng ebidensya ang mga nagpapakalat ng destabilization plot laban kay PBBM

Hinamon ni Senator Imee Marcos na maglabas ng ebidensya ang mga nagpapalutang na may destabilization plot laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Hamon ni Marcos, kung totoo ang destabilisasyon ay magpakita ng ebidensya ang mga nagsasabi nito at saka nila titingnan ang susunod na hakbang na gagawin.

Sinabi ng senadora na wala siyang makitang katibayan sa mga alegasyong ito maliban na lamang sa kapraningan ng mga tao.


Aniya, nababaduyan na siya sa mga ganitong uri ng chismis at maituturing na lumang tugtugin na ang mga coup plot.

Apela pa ni Sen. Marcos, huwag masyadong praning at magtrabaho na lamang sila at unahin ang mga pangangailangan ng mga Pilipino tulad ng bigas at pagkain.

Facebook Comments