Iginiit ni 1-PACMAN Partylist Representative Mikee Romero na normal lamang ang mga problema na naranasan ng mga atleta sa ibang bansa para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Paliwanag ni Romero, wala itong pinagkaiba sa ibang bansa kung saan din i-dinaos ang mga laro.
Ayon sa kongresista na isa ring Polo Player, pang-apat na beses na niyang naglaro sa SEA Games para sa bansa at nakaranas rin sila ng aberya sa mga naunang international competitions.
Isa aniya sa madalas na problema sa mga international sports competitions sa ibang bansa ay ang pagdaraos ng events sa maraming lugar.
Punto pa nito, ang mga lumabas na storya na mga dayuhang manlalaro na nagkaproblema sa SEA Games sa bansa ay kaunti lang kumpara sa mas maraming delegasyon na naging maayos naman pagdating sa Pilipinas.
Naiintindihan niya na ang naisin na pag-bibida sa SEA Games ay para i-showcase o ipakita sa mga dayuhan kung anong meron sa bansa.