NCRPO, hiningi ang kooperasyon ng Muslim Community para sa Kapayapaan sa komunidad

Hiniling na ni NCRPO Chief, PBGen. Debold   Sinas sa mga Muslim Leaders sa Metro Manila ang kanilang kooperasyon para sa maayos at tahimik na komunidad.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga Muslim leaders partikular na hiniling nito na aktibong suportahan ang inisyatibo ng PNP para maging produktibo ang mga programa at serbisyo nito.

Nais din ni Sinas na tiyakin ang Community Partnership sa pagtugon sa anumang banta ng teroristang grupo, lawlessness at karahasan.


Tiniyak naman ng Muslim Leaders ang kanilang kooperasyon sa PNP at naniniwala din sila na magiging matagumpay lamang ang isang programa kung magtutulungan ang bawat mamamayan.

Facebook Comments