Laguna – Hindi pinaporma ng Alab Pilipinas ang Thailand Mono Vampire sa game 1 ng ASEAN Basketball League na ginanap sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.
Tinalo ng Alab Pilipinas ang Mono Vampire via overtime game sa score na 143-130 kung saan nanguna sa panalo sina Justine Brownlee na may 46-points at Renaldo Baklman na may 39-points.
Ikinatuwa ni Alab Coach Jimmy Alapag ang naging performance ng kaniyang dalawang import lalo na sa huling segundo ng 4th quarter para mai-pwersa ang overtime at tuluyang manalo ang kanilang koponan.
Mapapanood naman ang game 2 sa Miyerkules (April 25), alas-8:00 ng gabi sa kaparehas pa din na venue.
Facebook Comments