ABL | Alab Pilipinas, talo sa Thailand Mono Vampire

Laguna – Panalo sa game 2 ng ASEAN basketball league (ABL) finals ang Thailand Mono Vampire laban sa Alab Pilipinas na ginanap kagabi sa Santa Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Laguna.

Tinalo ng Mono Vampire ang Alab sa score na 103-100 kung saan tabla na ang serye sa 1-1.

Nanguna sa panalo ng Thailand ang 7 foot 5 na import na si Sam Deguara na may 30 points at 20 rebounds.


May pagkakataon pa sana na maitabla ng Alab Pilipinas ang laban pero nagmintis ng dalang beses si Justine Brownlee sa three point area sa huling segundo ng laro.

Ang game 3 ay gaganapin naman sa home court ng Mono Vampire sa Bangkok sa darating na Sabado.

Facebook Comments