Xian Gaza, nag-aya muli ng date sa isa pang aktres

Matapos ang pagkakakulong at makalaya ni Xian Gaza na binansagan na ng mga netizens bilang “Billboard king”/ “scammer” dahil sa kasong investment scam, muli itong nag-aya ng date sa aktres na si Myrtle Sarrosa.
Sa kanyang Facebook post na may temang Avengers niya inaya si Myrtle para sa isang movie date.
“I don’t know how to say this but you know what, I crush you. Myrtle Sarrosa, will you watch Avengers Infinity War with me?”, sabi sa caption sa kanyang post.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang aktres sa nasabing Facebook post na ito ni Xian.
Matatandaang unang inaya ng coffee date ni Gaza ang aktres na si Erich Gonzales ngunit nauwi sa pagkabigo matapos s’yang tanggihan nito.

Facebook Comments