Abo ng nasawing si alyas “Ka Oris” naibigay na sa pamilya nito

Naibigay na ng pamahalaang lokal ng Impasugong, Bukidnon sa pamilya ni New Peoples Army (NPA) Leader Jorge “Ka Oris” Madlos ang kanyang abo.

Ayon kay Major Francisco Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, pinangunahan ni Impasugong Mayor Anthony Uy ang isang simpleng turn-over sa abo ni Ka Oris sa kanyang nakababatang kapatid na si Rito Madlos sa municipal hall ng lalawigan.

Bumiyahe pa si Madlos mula Surigao City patungong Bukidnon para lamang kunin ang abo ng kapatid na nagpositibo sa COVID-19.


Nagkaroon rin ng misa para kay Ka Oris at nag-abot din ng tulong pinansyal ang Impasugong Local Government Unit (LGU) sa kanyang kapatid.

Nagpasalamat naman si Rito Madlos sa tulong ng mga awtoridad.

Aminado itong taong 2014 pa niya huling nakita ang kapatid.

Samantala, naibigay na rin sa pamilya ni NPA National Operation Command staff Eighfel Dela Peña alyas Pika/Maui ang kanyang abo.

Facebook Comments