Abogado at drayber nito patay sa pamamaril sa Pampanga

55

Patay ang isang abogado at drayber nito matapos pagbabarilin ng tatlong lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay San Vicente, Santa Rita, Pampanga kaninang umaga.

Kinilala ang nasawing abogado na si Attorney Carlos Montemayor Anselmo residente ng Barangay Cabangcalan, Floridablanca, Pampanga at drayber nitong si Marcial Perez Mendoza, residente ng Bayan Santa Maria, Bulacan.


Ayon kay Pampanga Police Provincial Director Police Colonel Jean Fajardo alas -9:10 ng umaga bumabyahe ang mga biktima sa may Provincial Road ng Barangay San Vicente, Pampanga sa harap mismo ng San Vicente Parish Church habang sakay ng Toyota Camry, na kulay itim at may plate number ZMD 630 nang tambangan ng mga suspek.

Ang mga suspek ay sakay ng motorsiklo na mga nakasuot ng sumbrero at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang kalibre 45 baril.

Nagtamo ang mga biktima na tama ng bala ng baril sa ibat ibang parte ng katawan dahilan nang agaran nilang pagkamatay.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos gawin ang krimen na ngayon ay target na sa manhunt operation ng mga pulis.

Facebook Comments