Paslit na naglalaro raw ng ‘bigti-bigtiian’, natuluyan

1650

Binawian ng buhay ang isang 8-anyos na bata matapos umanong aksidenteng mabigti habang naglalaro noong Sabado, sa Rodriguez, Rizal.

Bandang alas-6 ng gabi nang matagpuang nakabigti ang bata gamit ang plastic straw na nakatali sa konkretong bakod sa Barangay San Isidro, ayon sa Rodriguez Municipal Police Station.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara ring dead on arrival.

Batay sa isang residente, niyaya pa raw ng bata ang kanyang mga anak na maglaro ng “bigti-bigtian” ngunit hindi umano siya pumayag dahil gabi na.

Paglabas ng bahay, nakita na lamang umano ng saksi ang biktima na nakabigti na kaagad niyang ibinaba saka siya humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Hinala ng saksi, posibleng nadulas sa tinutungtungang bakod ang paslit, dahilan upang tuluyang mabigti.

Facebook Comments