Abogado ni Imelda Marcos, pinagpapaliwanag sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan ang abogado ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kung bakit hindi siya dumalo sa ikalawang pagdinig noong nakaraang linggo.

Sa inilabas na kautusan ng 5th Division ng Anti-graft court, binigyan lamang ng limang araw si Atty. Robert Sison kung bakit hindi siya dapat pagmultahin bunsod ng hindi pagdalo sa hearing noong Biyernes.

Matatandaan na hinanap ni Division Chairperson Associate Justice Rafael Lagos si Sison noong nakaraang linggo na hearing subalit sinabi ng kanyang kasamang abogado na si dating Government Corporate Counsel Manuel Lazaro na may sakit ito.


Si Sison ang lead counsel ni Marcos sa mga kasong graft kaugnay sa pagtatayo ng pitong foundations sa Switzerland na nagbenepisyo ang kanyang pamilya kaya hinatulan siya ng guilty ng Sandiganbayan .

Nabigo rin makadalo sa pagdinig si Sison at Marcos sa promulgation nila noong Nobyembre 9.

Nauna na rin naglagak ng P150,000 na pyansa ang dating unang ginang para sa kanyang post-conviction remedies.

Facebook Comments