Abogado ni Linconn Ong, nagpapasaklolo na sa Korte Suprema para mapalaya sa Senado ang kaniyang kliyente

Nagtungo sa Korte Suprema si Atty. Ferdinand Topacio upang maghain ng petisyon para hilingin na mapalaya ang kaniyang kliyente at executive ng Pharmally Pharmaceuticals na si Linconn Ong.

Ayon kay Topacio, hindi pagharang sa imbestigasyon ng Senado ang hakbang nila para maghain ng Petition for Certiorari and Prohibition with Prayer for Temporary Restraining Order and Preliminary Injunction.

Pagkuwestyon aniya ito sa katwiran ng Blue Ribbon na pagpapakulong kay Ong dahil sa umano’y pag-iwas nito sa pagsagot sa tanong ng mga senador at pagbibigay ng maling testimonya.


Aniya, totoong may contempt powers ang Senado pero hindi nito dapat labagin ang karapatang pantao nang ipinatatawag nilang resource person.

Giit ni Topacio na hindi rin maaaring umakto ang mga miyembro ng komite ng Senado bilang judge, jury at executioner sa ginagawa nilang imbestigasyon para lamang magpasa ng batas.

Facebook Comments