Spokesperson Roque, tatakbo kung maghahain ng COC sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte

Nakahanda na ang Certificate of Candidacy (COC) ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ayon kay Roque, magbi-vigil sila sa Malakanyang saka-sakaling maghain ng kaniyang COC si Inday Sara sa pagka-pangulo.

Nabatid na huling araw na sa paghahain ng kandidatura bukas, Oct. 8.


Una nang naghain ng COC sa pagka-alkalde ng Davao si Inday Sara nitong Sabado.

Matatandaang sinabi nito na hindi siya tatakbo sa alinmang national position kung tatakbo rin sa national position ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na nitong Sabado lamang ay binawi ang pagtakbo sa pagka-bise presidente.

Samantala, sa usapin naman kung sino ang hahalili kay Roque bilang tagapagsalita ng Palasyo kapag ito ay nakapaghain na ng kaniyang COC, sinabi nito na si PRRD na ang bahala rito.

Facebook Comments