MANHATTAN, New York – Nasawi ang isang 57-anyos na abogado sa New York dahil sa kumplikasyon mula sa coronavirus (COVID-19).
Ayon sa report ng Law.com, namatay ang pasyente noon lamang Miyerkules, dalawang araw matapos nitong ibalita sa kanyang email na bumubuti na ang kanyang kalagayan.
Bago mangyari ang trahedya, nagsulat umano sa email ang naturang lalaki kung saan ibinalita niya na nagpositibo siya sa COVID-19 at naisugod sa ospital.
Sa kabila nito, ibinahagi rin daw nito na umaayos at bumubuti na ang kanyang kondisyon.
Ngunit matapos ang ilang araw ay binawian din ito ng buhay dahil sa virus.
Dahil dito, ipinasara na muna ang opisina ng abogado at maswerte na lamang daw na walang kahit sino ang naiulat na nahawa ng COVID-19.
Facebook Comments