Abogadong diumano ay gumagamit sa pangalan ni Mayor Sara Duterte-Carpio upang mangalap ng salapi, itinaggi ang bintang

Manila, Philippines – Itinanggi ng abogadong si Atty. Regidor Tulali na ginamit niya ang pangalan ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio para makangalap ng pera.

Nabatid na itinuturo si Tulali na bumibili umano ng lupain sa palawan sa gamit ang pangalan ng alkalde para sa pagpapatayo ng drug rehab facility.

Sa interview ng RMN kay Tulali, nanawagan itong iberipika ang ulat dahil wala siyang ginagawa na ganitong aktibidad.


Naniniwala si Tulali na nakatanggap lamang ng maling impormasyon si Mayor Duterte-Carpio.

Sa ngayon, sinusubukang makipag-ugnayan si Atty. Tulali kay Mayor Duterte-Carpio.

Una nang nagbabala ang alkalde sa publiko na mag-ingat at huwag magpapaniwala sa mga grupo o indibiduwal na nais lamang kumita ng pera gamit ang kanilang pangalan.
DZXL558

Facebook Comments