Manila, Philippines – Tinanggal ng Korte Suprema sa roll of attorneys ang isang abogado dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanyang menor de edad na anak sa ibang babae.
Sa per curiam decision ng Supreme Court (SC) Court En Banc napatunayang guilty si Atty. Amador B. Peleo III ng gross unlawful, dishonest and deceitful conduct na paglabag sa Rule 1.01, Canon 1 ng Code of Professional Responsibility.
Lumalabas na nagkaroon ng sexual relation si Peleo kay Marife Venzon habang ito ay kasal pa sa kanyang asawa.
Pinalsipika rin nito ang entries ng birth certificate ng kanyang anak at pinalabas na legally married kay Marife.
Lumalabas din na hindi nito ginamit ng tama ang legal process sa pamamagitan ng paghahain ng petition for declaration of nullity of marriage na wala namang seryosong intention na ito ay ituloy.
Niloko rin daw nito ang gobyerno at private businesses dahil sa patuloy na pag-avail ng senior citizens’ discount matapos na palutangin na siya ay 60-anyos na.
Nag-ugat ang pagkastigo ng Supreme Court kay Atty. Peleo matapos maghain ng reklamo si Venzon na ina ng batang hindi sinustentuhan ni Atty. Peleo habang ito ay kasal pa sa kanyang asawa.