ABOLITION | Pagbuwag sa NFA council, irerekomenda ni PRRD

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang buwagin ang National Food Authority (NFA) council.

Ito ay sa kabila na rin ng pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Ayon kay Pangulong Duterte, irerekomenda niya sa Kongreso ang abolition ng NFA council dahil wala naman itong pakinabang.


Tiniyak ng Pangulo na gumagawa na ng paraan ang kanyang economic managers para maresolba ang tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ang NFA council, ay pinamumunuan ng NFA chief – ito ang nagdedesisyon kung ano ang magiging hakbang ng NFA.

Kabilang na rito kung kailan mag-aangkat ng bigas at kung ano ang paraan ng pag-aangkat.

Facebook Comments