ABORTION | Babae, patay matapos sumailalim sa abortion sa Quaipo, Maynila

240

Manila, Philippines – Arestado ang isang abortionist matapos na mamatay ang 32-anyos na babae na naging customer nito sa isang hotel sa Quiapo, Maynila.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Luzviminda Tibay habang ang biktima ay kinilalang si Nelia Asuncion Sotelo.

Sa ulat, kararating lang sa Pilipinas mula sa Middle East si Sotelo at nag-check in sa isang hotel kasama ang kaibigan na si Catherine San Jose.

Kinontak ng biktima ang suspek na si Tibay para ipalaglag ang sanggol nito sa halagang P10,000.00.

Pero huli na ng makita ng kaibigan si Catherine ang biktima na wala ng malay at duguan ang maselang parte nito kung saan isinugod pa niya ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nadakip naman ng mga pulis ang suspek sa ikinasang follow-up operation.

Facebook Comments