KALABOSO | 3, arestado matapos salakayin ang isang cybersex den sa Bacoor, Cavite

43

Bacoor, Cavite – Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang menor de edad habang arestado ang tatlong katao na siyang nag-o-operate ng isang cybersex den sa Bacoor, Cavite.

Mismong ang mga tauhan ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang nanguna sa isinagawang raid sa isang bahay na ginagawang cybersex den kung saan dito isinasagawa ng live sa harapan ng camera ang pagtatalik.

Nabatid na binabayaran ang mga biktima ng pera kapalit ang pag-pose habang nakahubad sa harapan ng camera.

Hindi muna pinangalanan ng NBI ang mga nasakoteng suspek upang madakip din nila ang iba pang kasabwat pati na ang naging parokyano ng mga ito.

Facebook Comments