ABOT 12K RELIEF PACKS SA MGA NASALANTANG DAGUPEÑOS, NAIPAMAHAGI NA

Bumisita sa lungsod si DSWD Secretary Rex Gatchalian upang pangunahan ang distribusyon sa 200 apektadong mangingisda na ilang araw natigil sa pagpalaot dahil sa masamang panahon.

Lumibot din ang kalihim sa iba pang evacuation centers at nagbigay katiyakan sa tuloy-tuloy na daloy ng relief goods at kits bago tumungo sa iba pang apektadong lugar sa La Union.

Samantala, sa isang panayam sinabi ni Mayor Belen Fernandez na nasa 10,000 hanggang 12,000 relief packs ang naibahagi na ng Pamahalaang Panglungsod kabilang ang mula sa DSWD.

Nauna na ring inihayag ng opisyal ang sitwasyon sa 31 apektadong barangay dulot ng malawakang pagbaha na dahilan ng deklarasyon ng lungsod sa ilalim ng State of Calamity. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments