ABOT 60 NA KABABAIHAN SA PANGASINAN, NAKAPAGTAPOS SA PROGRAMANG KAALAMANG KABUHAYAN NG TESDA PANGASINAN

Abot sa 60 na mga kababaihan ang nakapagtapos sa programang Kaalamang Kabuhayan ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Employment and Services Office (PESO).
Ang mga kababaihan ang isa sa prayoridad ng probinsya ng Pangasinan sa pagbibigay kaalaman at trabaho.
15 sa mga nagsipagtapos sa programa ay nakapagsanay sa hair cutting and styling, 23 sa massage/reflexology at 22 naman sa nail care sa tulong ng mga trainers mula sa TESDA Pangasinan Training Center.

Binigyan din sila ng 2,000 pesos na starter and hands on kits. Ang kanilang natanggap din na TESDA Certificate of Completion ay makatutulong sa kanila para makapagtrabaho rin sa mga establisyemento.
Layon ng skills training sa mandato ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III na bigyan ng kaalaman at kabuhayan ang mga kababaihan ng Pangasinan na malaki ang maitutulong sa kanilang pamilya. |ifmnews
Facebook Comments