CARLOS P. ROMULO BRIDGE SA BAYAMBANG, UNTI-UNTI NANG NAISASAAYOS NG DPWH RO1

Unti unti nang naisasaayos ng Department of Public Works and Highways RO1 ang bumagsak na Carlos P Romulo bridge sa Wawa, Bayambang.
Matagumpay nang naikabit ng grupo ang total na apatnaput limang metrong o 45 meters (15 spans x 3 meters) sa bahagi ng tulay kung saan nagkaroon ng damage o nag-collapse.
Kasalukuyang itinutuloy ang pag welding sa nasabing tulay at inaasahang matatapos ng mabilisan kung aayon ang panahon. Naghahanda na ang grupo na ayusin ang ilang pang parte ng tulay na kailangan lagyan ng mga steel decks. |ifmnews

Facebook Comments