Nakatakda nang matapos sa taong 2024 ang service contract ng Malampaya, ang nagsusuplay ng burning natural-gas sa bansa. Kaakibat dito ang paghahain ni Senator Win sa Senado ng panukalang batas na magbibigay daan para makapagpagawa ng imprastraktura para sa Liquified Natural Gas (LNG) na papalit sa Malampaya gas field.
Sa naturang panukalang hinain ni Gatchalian, paniguradong bababa ang singil ng kuryente sa bawat pilipino.
“Malaki ang potensyal ng LNG sa pagbibigay ng abot-kamay na presyo ng suplay ng kuryente dahil ang natural gas ay nagiging mura na at halos sumasabay na sa coal na pinaka cost-efficient na pinagkukunan ng suplay ng kuryente,” ayon kay Gatchalian.
Ayon kay Senator Win malaking seguridad ng enerhiya sa bansa ang posibleng maibigay nito at malaking tulong din ito para matugunan ang problema sa patuloy na pag-brownout.