Target ng gobyerno ang mas mababang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests para mga turista.
Ayon kay Department of Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, makikipag-ugnayan sila sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na nag-aalok ng RT-PCR test sa halagang P1,800.
Aniya, nais nilang tulungan ang mga turista na mabawasan ang kanilang gastos at target din nilang mas maengganyo ang mga ito sa paglalakbay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Una nang binuksan na sa turista ang Bohol, Siargao, Coron, Baguio, Ilocos Sur at Ilocos Norte pero kinakailangang magpresinta ng negatibong RT-PCR test results, 48 hanggang 72 oras bago ng kanilang paglalakbay.
Facebook Comments