Arestado ang isang lalaki matapos mahulog sa bitag ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Bayambang, Pangasinan.
Sa naging operasyon, naaresto ang suspek matapos nitong magbenta ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer.
Bukod dito, nakumpiska rin 1.9 gramo ng shabu na may halagang P12,920 kabilang ang buy-bust money sa isinagawang incidental search.
Nasa kustodiya na ng Bayambang Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na isasampa laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










