Higit 500 mga LSI o Locally Stranded Individuals mula Region 12 ang nakaavail ng Hatid Tulong Program ng Gobyerno.
Mula Manila , isinakay ang mga LSI ng 31 Bus pauwi ng Region 12, Drop Off point ng mga ito ang ang ginagawang Hospital sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Kagabi, nasa 20 bus na ang nakarating sakay ang mga LSI na nagmumula sa ibat ibang bahagi ng Region 12.
Bago umalis mula sa Manila, sumailalim na sa Rapid Test ang mga LSI at muling isasailalim sa Test pagdating sa Isulan.
Nasa area naman ngayon ang bawat representante ng ibat ibang LGU ng Region 12 para sunduin ang kani-kanilang mga kababayan. Kabilang na rito ang Cotabato City Government na full force para matiyak na ligtas na makakauwi ang lahat ng mga Cotabateños na LSI.
Samantala sa BARMM, problemado ngayon ang nasa 414 na mga pinauwing LSI dahil sa halip na sa Zamboanga Area ang Drop Off Point nila ay sa Cagayan De Oro City sila inihatid.
Karamihan sa mga ito ay mga taga Isla ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. Agad namang nakipag-ugnayan si MILG BARMM Minister Atty. Naguib Sinarimbo sa mga Provincial Government upang matulungan ang mga ito.
PIA 12 Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>