Abot sa 15,000 na PDLs, napalaya na upang mapaluwag ang mga jail facility at pag-iingat sa pandemya

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na abot sa 15,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang napalaya sa mga jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula March 17, 2020 hanggang June 22, 2020.

Ito’y bilang bahagi ng programa ng gobyerno na paluwagin ang mga masisikip na jail facility at bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, patunay ito na hindi nakakaligtaan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga PDL at gumagana ang justice system sa bansa kahit pa man may pandemya.


Ayon kay Año, mula sa 15,322 na napalayang PDLs, 5,910 ay mula sa National Capital Region.

Sinusundan ito ng mga sumusunod:

CALABARZON- 1,557
Central Visayas- 1,487
Central Luzon- 1,041
Zamboanga Peninsula- 897
Northern Mindanao- 762

Pinalaya ang mga ito sa utos ng mga kaukulang korte at alinsunod sa guidelines ng Supreme Court ngayong may pandemya.

Karamihan sa mga pinalaya ay mga matatanda at mga may mga magagaang kaso.

Facebook Comments