DA, nakipag-partner na sa mga restaurant group, mall operator para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto

Nakipag-partner ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa mga grupo ng mga restaurant at mall operator upang matulungan ang sektor ng agrikultura na makabangon sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pumayag ang mga mall owner na magtalaga ng libreng espasyo para sa mga farmers cooperatives upang maibenta ang kanilang agricultural products.

Tiniyak ng mga mall operator na maglalatag sila ng naaayong protocols para sa health safety ng mga consumer.


Ang mga restaurant owners organization naman ay sisikaping makapagluto ng mga menu gamit ang mga lokal na produkto.

Pinasalamatan ng kalihim ang kooperasyon ng mga retaurant at mall operator sa isang makabuluhang proyekto na tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda na maibangon ang kanilang kabuhayan na nailugmok sa panahon ng community quarantine.

Facebook Comments