Abot sa 530,593 MT ng palay, maagang inani bago ang naging pagtama ng Bagyong Quinta ayon sa DA

Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na hindi gaanong naapektuhan ang mga pananim na palay sa pagtama ng Bagyong Quinta.

Ayon sa DA, dahil sa kanilang abiso, maagang inani ng mga magsasaka ang kanilang mature crops bago pa tumama sa kalupaan ang bagyo.

Abot sa 530,593MT ng palay, mula sa 133,292 na ektaryang taniman, ang maagang inani sa Cordillera Administrative Region at sa Region-2, 3, 4-A, 6 at 7.


Pinakilos na ng DA ang mga Regional Field Office nito na magsagawa na ng validation sa lawak ng pinsala ng bagyo sa agrikultura at pangisdaan.

Facebook Comments