Dating Regional Vice Chairperson ng Innabuyog – Gabriela, inaresto ng pulisya sa Kalinga matapos makuhaan ng mga matataas na kalibre ng armas

1253

Hinuli ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Kalinga at Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang dating Regional Vice Chairperson ng Innabuyog- Gabriela na si Beatrice Magwin Belen alyas Betty.

Ito ay matapos na makuhaan ng mga matataas na kalibre ng armas partikular ang tatlong riffle granades sa kaniyang bahay sa So Ag-agama, Western Uma Lubuangan, Kalinga.


Sa ulat ng PNP Cordillera, sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ni Judge Jerson Angog ng Regional Trial Court (RTC) Judge ng Branch 25 sa Bulanao, Tanuk City, Kalinga, sinalakay ang bahay ni Bilin at nakuha ang mga armas.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng Kalingga Police Provincial Office (PPO) ang naaresto.

Facebook Comments