Isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Abra, Baguio City at Bohol simula ngayong araw hanggang September 30, 2021.
Mula ito sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari nang mag-operate ang indoor dine-in services ng hanggang 20% venue o seating capacity.
Habang ang al-fresco o outdoor dine-in services ay papayagang makapag-operate hanggang 50% ng venue o seating capacity.
Maliban sa Abra, Baguio City at Bohol, isasailalim din ang Ilocos Norte sa GCQ.
Ang mga beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas ay papayagan sa 30% venue capacity.
Ang mga outdoor tourist attractions ay maaari hanggang 30% venue capacity ngunit dapat na masunod ang mahigpit na implementasyon ng minimum public health standards.
Binigyang diin naman ng kalihim na ang mga meetings, incentives, conventions at exhibitions events, maging ang social events sa mga venue establishments ay hindi pa rin pinapayagan.
Bawal pa rin ang indoor sports courts at venues, maging ang indoor tourist attractions.
Ang religious gatherings naman ay papayagan hanggang 10% ng venue capacity.