Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Abra dakong alas-5:35 ng umaga.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol sa layong apat na kilometro hilagang-silangan ng bayan ng San Isidro.
May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala naman ang Instrumental IV sa Vigan, Ilocos Sur; Intensity III sa Bangued, Abra at Narvacan, Ilocos Sur; Intensity II sa Candon, Ilocos Sur at Intensity I sa Batac, Laoag City at Pasuquin sa Ilocos Norte.
Wala namang inaasahang danyos at aftershocks dahil sa lindol.
Facebook Comments