ABS-CBN executives, reporters, technical staffs at employees, nanatiling kabilang sa APOR ayon sa PNP

454

Nanatiling kabilang sa Authorized Persons Outside Residence o APOR ang executives, reporters, technical staff at empleyado ng ABS-CBN.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier Gen. Bernard Banac matapos na mahinto ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa pag-lapse ng franchise nito.

Ayon kay Banac na batay sa IATF-MEID guidelines kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) lahat ng empleyado ng ABS-CBN ay papayagan pa rin makadaan sa lahat ng Quarantine Control Points basta ipresenta ang kanilang valid ID.


Matatandaang May 5 ng gabi nang ihinto ang operasyon ng ABS-CBN.

Facebook Comments