Shabu na inilagay sa balot ng napkin, nasabat sa Dumaguete

498

Timbog ang isang lalaking nahulihan ng hinihinalang shabu na itinago sa sanitary napkin, Miyerkules ng gabi sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Nasakote sa ikinasang buy-bust operation ang suspek na kinilala sa alyas na “Ramil”.

Nasamsam sa suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, at motorsiklong ginagamit sa pagtutulak.


Napag-alaman na kalalabas lang ng bilangguan ang suspek na nakulong sa kasong may kinalaman din sa droga.

Muling mahaharap ang suspek sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments