Friday, November 22, 2024

ABS-CBN, humingi ng paumahin kay Pangulong Duterte

Images from ABS-CBN website and PCOO
Humingi ng tawad si ABS-CBN Corporation President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak kay Presidente Rodrigo Duterte tungkol sa kontrobersiyal na political ad na ipinalabas ng istasyon noong 2016 presidential elections.
“We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by the laws and regulations that surround the airing of political ads,” sabi ng Pangulo at CEO ng Kapamilya network.

“Today, we want to make a categorical statement together with our chairman Mark Lopez that ABS-CBN does not and will not have its own political agenda,” saad pa ni Katigbak.


Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes kaugnay sa franchise renewal bill, kinuwestiyon ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-ere ng political ad, kung saan mapapanood ang mga bata na may reaksyon sa pagmumura ni Duterte.

Matatandaang humingi ng temporary restraining order ang kampo ng Presidente upang hindi ma-ere ang umano’y mapanirang ad na sinasabing binayaran daw ng noo’y senador na si Antonio Trillanes IV.

“Sa ad ni Senator Trillanes, under the Fair Elections Act, lawful election propaganda shall include for or against the candidacy. That to us was the first reason why our internal committee gave a green light to the ad,” paglilinaw pa ng ABS-CBN President.

PALIWANAG SA MGA ADS NA HINDI UMERE SA BROADCAST NETWORK

Ipinaliwanag din ni Katigbak kung bakit hindi humimpapawid ang ilang campaign ad ni Duterte kahit bayad na.

Ayon sa opisyal ng giant network, may protocol silang “first come, first serve”, sa mga ieereng anunsyon at marami na daw nauna sa Pangulo.

“Many of these spots were ordered [by Duterte] on May 3rd and May 7 was the last day of the campaign period. So there had been many previous telecasts that came in ahead of the President’s ads,” ani Katigbak.

Dagdag pa niya, dalawang klase ng campaign ad ang ipinapalabas nila, isang pang-nasyonal na ipinapakita sa buong Pilipinas, at isang pang-lokal na madalas mapapanood sa mga probinsiya.

“‘Dun sa local ads nagkaproblema kami because we only have 2 minutes of airtime per hour. In the case of local ads, the President placed an order of P65 million worth of spots of which we failed to air P7 million worth,”
“Of the P7 million na hindi namin na ere, we were able to refund approximately P4 million to the President and it was accepted,” dagdag niya.
Panandaliang naantala ang pagbabalik sa balanseng P2.6 milyon na hindi daw tinanggap ni PRRD.
“On this issue, we acknowledged our shortcoming and our failure to release the fund in a timely manner.”
PALASYO, NAGALAK SA PAG-SORRY NG ABS-CBN
Samantala, ikinatuwa ng Malacañang ang paghingi ng paumanhin ng kompanya kay Digong na dapat ginawa nila noon pa.
“I’m glad finally ABS-CBN has admitted its shortcomings to the President. Dapat noon pa nila ginawa,” tugon ng Chief Legal Counsel at presidential spokesperson na si Salvador Panelo sa mga reporter.
Aniya, si Duterte ang magdedesisyon kung tatanggapin ang public apology ng media and entertainment network.
Facebook Comments