Monday, May 18, 2026

Humigit-kumulang 30 SCO dahil sa hindi pagsusuot ng tamang uniporme sa pagmamaneho, ipinalabas ng LTFRB

Nasa 30 Show Cause Order (SCO) ang naipalabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang kanilang isinasagawang roadside inspection.

Dahil ito sa paglabag sa mga itinakdang alituntunin sa pagmamaneho partikular na ang hindi pagsusuot ng tamang uniporme.

Ang mga nabigyan ng SCOs ay ang mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan.

Dahil dito, nagpaalala si LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo na sumunod ang mga drivers sa umiiral na rules and regulation ng ahensya lalo na ang pagbabawal sa pagsusuot ng shorts at tsinelas.

Nakabatay ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez, at LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II para sa ligtas at maayos na serbisyon sa publiko.

Facebook Comments