ABS-CBN, maaaring mag-apply ng panibagong prangkisa sakaling paboran ng Korte Suprema ang quo warranto petition, ayon sa Palasyo

Naniniwala ang Palasyo na marami pang pwedeng gawin ang ABS-CBN sakaling paboran ng Korte Suprema ang petisyon ng Solicitor General na layong i-revoke o ipawalang bisa ang prangkisa na ibinigay ng Kongreso sa network na nakatakdang mapaso sa March 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maliit na bagay lang ang quo warranto petition ng SolGen para maharangan ang pagkuhang muli ng prangkisa ng TV giant network.

Sinabi ni Panelo, na maaaring namang mag-apply muli ang ABS-CBN ng bagong prangkisa at ang Kongreso na ang bahala dito.


Muli naman nanindigan si Sec. Panelo na independent move lang ng SolGen ang paghahain ng petisyon at walang kinalaman dito ang ehekutibo.

Matatandaang una nang sinabi ni Sec. Panelo na hawak ng Kongreso, at hindi ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng prangkisa sa network.

I-veto man kung sakali ng angulo ang panukalang batas para sa ABS-CBN franchise, maaari naman itong i-overturn ng boto ng Kongreso.

Facebook Comments