ABS-CBN News iniimbestigahan si Jobert Sucaldo sa ‘insensitive comment’ kay Nadine Lustre

Pinapaimbestigahan ngayon ng pamunuan ng ABS-CBN ang radio commentator at kolumnistang si Jobert Sucaldito tungkol sa naging pasaring at komento nito sa suicide na patama daw kay Nadine Lustre.

Ayon kay Ging Reyes, hepe ng ABS-CBN Integrated News & Current Affairs, sineseryoso ng kanilang istasyon ang usapin sa mental health at kamakailan lamang gumawa sila ng dokyumentaryo kaugnay dito.

Aniya, hindi nila kinukunsinti ang mga “insensitibong” komento.


Nilinaw din ni Reyes na may pananagutan ang mga mamamahayag sa bawat opinyong binibitiwan on-air.

(BASAHIN: Jobert Sucaldito, binatikos ng publiko dahil sa ‘suicide joke’ kay Nadine Lustre)

Kinondena ng publiko si Sucaldito sa pahayag nitong “sana tumalon ka na lang” nang pagusapan sa programa niya sa DZMM ang reaksyon ng aktres sa artikulong isinulat ni Ricky Lo.

Matatandaang kumalat sa social media na “hiwalay” na sina Lustre at nobyong si James Reid at kinumpirma ng beteranong manunulat na maayos itong dinadala ng huli dahil sa kinakaharap ng dalaga na “mental illness”.

Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Facebook Comments